4 kalaboso sa P231K shabu sa Malabon

4 kalaboso sa P231K shabu sa Malabon

January 12, 2022 @ 11:02 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Sinabi ni Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Panghulo Road, Brgy. Panghulo.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Christopher Villagracia, 34, (pusher/newly indentified) at Ronald Piloneo, 34, (user/listed), kapwa ng Brgy. Panghulo matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P183,600 at marked money.

Bandang alas-11 naman ng umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU si Roldan Jakosalem alyas “Jay-R”, 21, (pusher/listed), 21 at Leo Sabordo, 47, (pusher/newly identified) sa buys bust operation sa Borromeo St. Brgy. Longos.

Nasamsam sa kanila ang tinayanag nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600 at P500 marked money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura