4 katao arestado sa higit P5.4 milyong shabu

4 katao arestado sa higit P5.4 milyong shabu

November 27, 2021 @ 3:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang apat na katao ang inaresto ng mga tauhan ng MPD-Station 7 Drug Enforcement Unit sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Manila.

Nakuhanan ng aabot sa 800 gramo mg pinaniniwalaang shabu na halagang P5,440,000.00 ang mga suspek na sina Jose Dantes Raymundo, 44; Robert Justiniani Jr, 30; Malyn Alexisse Ong, 25; Romel Ortilano, 28.

Target umano sa operasyon si Dantes kung saan nakipagtransaksyon ito sa isang pulis na nagpannggap na bibili ng shabu.

Sa pinagkasunduang lugar sa Juan Luna St, kanto ng Hermosa St, o katabi lamang ng Centroil gas station na sakop ng Brgy.194 ang itinakdang tagpuan ni Dantes at poseur buyer nang maabutang may iba pa itong katransaksyon  na naging dahilan Kaya sila naaresto.

Dinala sa crime laboratory ng MPD ang nakuhang shabu sa mga suspek para sa qualitative at quantitative examination.

Nakatakda na rin isalang sa Inquest sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa illegal na droga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)