4 kelot dumayo mangisda, inambush!

4 kelot dumayo mangisda, inambush!

August 27, 2022 @ 3:41 PM 1 month ago


PIKIT-HINDI inakala ng apat na lalaki na ang pagdyo nilang mangisda ang magiging dahilan ng kanilang kamatayan matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ni Major Maxim Peralta, hepe ng Pikit-PNP, ang mga biktimang sina Kalid Selongan 28; Ray Benias, 47; William Cantonis, 41; at Darwin Cantonis, 28; lahat ay mga residente sa Barangay Fort Pikit.
Ayon kay Pertal, dakong 1:00 PM naganap ang krimen sa Barangay Manaulanan habang naglalakad ang mga biktima sa nasabing lugar galing sa pangingisda sa Barangay Lagunde, Pikit, at pauwi na nasa ang mga ito sa kanilang tahanan.

Nakapulot ang mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ng empty shells para sa M16 rifles.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga suspek at sa agaran ikadarakip sa mga ito/Mary Anne Sapico