4 kelot nanggang-rape ng bayawak, kulong

4 kelot nanggang-rape ng bayawak, kulong

April 17, 2022 @ 4:45 PM 3 months ago


MAHARASHTRA, India – Hinuli ng forest guards at sasampahan na ng kaukulang kaso ang apat na kalalakihan na nahuling nanggang-rape sa isang bayawak sa isang magubat na lugar sa estadong ito ng India.

Napag-alaman ang panggagahasa ng apat mula sa cellphone na nakumpiska sa mga ito makaraang mahuling iligal na pumasok sa isang protektadong kagubatan.

Binidyuhan umano mismo ng mga suspek ang panggagahasa sa bayawak.
Hindi pinangalanan ang mga suspek ngunit nahaharap sila sa kasong paglabag na “unnatural offense” o pakikipagniig sa hayop.

Kinatatakutan ng mga awtoridad ang pag-rape sa mga hayop dahil isa umano ito sa mga pinagmumulan ng human immunodeficiency virus.

Kasama sa mga pinaggagagawa umano ng mga suspek ang paggamit ng baril at pagpatay sa nahuhuli nilang mga hayop gaya ng bayawak, pangolin, mouse deer, porcupine at iba pa. RNT