4 kulong sa pagbebenta ng iligal na COVID test kits sa Cebu

4 kulong sa pagbebenta ng iligal na COVID test kits sa Cebu

January 29, 2022 @ 9:33 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal sa Cebu sa pagbebenta ng iligal na COVID test kits.

Base sa National Bureau of Investigation in Central Visayas (NBI-7), nagbebenta ang mga suspek ng unregistered antigen test kits sa social media platforms.

Nasabat dito ang nasa 200 kahon ng Chinese brand na ‘Clungene’ at ‘Joinstar’ rapid antigen test kits na tinatayang nagkakahalaga ng P1 milyon.

Sinabing ang mga nabanggit na brand ay hindi lisensyado para gamitin ng publiko.

Maaalalang noong nakaraang linggo, nasamsam din ng Bureau of Customs ang P150 milyong pekeng antigen test kits, Lianhua Chinese herbal medicines, at N95 face mask sa isang warehouse sa Maynila na pagmamay-ari ng isang Chinese national. RNT/FGDC