4 lalawigan, Alert Level 4 na; Mas maraming lugar pasok sa Alert Level 3

4 lalawigan, Alert Level 4 na; Mas maraming lugar pasok sa Alert Level 3

January 21, 2022 @ 7:00 AM 7 months ago


Isinailalim ng pamahalaan ang apat na lalawigan sa Alert Level 4 sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases dito.

Huwebes nang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasailalim sa Alert Level 4 ng Kalinga, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, at maging ang lalawigan ng Northern Samar.

 Magsisimula ito Biyernes, Enero 21 hanggang katapusan ng buwan, Enero 31.

Sa ilalim ng alert level 4 hindi pinapayagan ang face-to-face classes, lahat ng contact sports, sinehan, karaoke, casino at social gathering kabilang ang mga indibdiwal na hindi kapamilya.

Pinapayagan naman ang “venues for meetings, social events, amusement parks, recreational venues, and tourist attractions” na mag-operate sa 10 porsyento.

Habang 30 porsyentong kapasidad ang pinapayagan sa outdoor venue basta may Safety Seal Certification ang pasilidad.

Ang mga simbahan, dine-in services, spa at salon, maging ang gma gym ay pinapayagang mag-operate sa 10 porsyentong kapasidad ng venue para sa fully vaccinated, at 30 porsyento sa outdoor venue pero dapat ay fully vaccinated din ang mga crew.

Sa kabilang dako, dinagdagan naman ng IATF ang mga lugar na isinailalim sa Alert Level 3 kabilang ang:

  • Luzon- Apayao, Puerto Princesa City and Masbate

  • Visayas- Siquijor

  • Mindanao- Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region 9; Lanao del Norte sa Region 10; Davao de Oro at Davao Oriental sa Region 11; North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region 12; Surigao del Norte sa Caraga; at Maguindanao at Basilan sa BARMM.

Epektibo rin ito mula Enero 21 hanggang 31, 2022.