4 lugar sa Cebu binulabog ng bomb threat

4 lugar sa Cebu binulabog ng bomb threat

May 27, 2022 @ 12:24 PM 1 month ago


CEBU CITY- Nabalot ng takot ang publiko at mga kawani ng munisipyo nang bulabugin ng bomb threat kabilang ang iba pang pampublikong lugar Huwebes ng hapon sa lungsod na ito.

Batay sa report ng Mabolo Police Station, binulabog ng bomb threat ang Qimonda Building, Cebu City Hall, Carbon Public Market, at maging ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX).

Ayon kay Capt. Renz Talosig, hepe ng Mabolo Police Station, dakong 1:57 p.m. unang nakatanggap ng bomb threat sa Qimonda ng makatanggap ng text message ang isang tauhan na may bomba sa nasabing gusali.

Dahil dito, sinuspinde ang trabaho Cebu City Hall of Justice at pinalabas ang lahat ng mga tao para bakantehin ang buong gusali.

Ilang minuto naman ang nakalipas ay sunod na binulabog ng bomb threat ay ang the Cebu City Hall, CCLEX, at Carbon Public Market .

Sinabi ni Talosig na nitong nakalipas na buwan ng Marso ay nakatanggap rin ng bomb threat ang City Hall of Justice .

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung sino ang responsable sa pagpapakalat ng bomb threat at motibo nito para mapanagot./Mary Anne Sapico