4 lugar sa W. Visayas naka-Alert Level 4 status sa COVID

4 lugar sa W. Visayas naka-Alert Level 4 status sa COVID

September 18, 2021 @ 1:16 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Alert Level 4 status sa apat na lugar sa Western Visayas region.

Partikular na rito ang regional capital ng Iloilo City, Bacolod City, Iloilo province, at maliit na island province ng Guimaras.

Sa datos na inilabas ng DOH, pinagbasehan dito ang arawang bagong kaso ng COVID sa bawad 100,000 ng kanilang populasyon.

Napag-alaman din na ang mga intensive care unit (ICU) ng ospital ay nasa mahigit 70 porsyento na habang ang COVID-19 bed utilization ay nasa kritikal na mula moderate. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •