4 lugar sapul ng toxic red tide – BFAR

4 lugar sapul ng toxic red tide – BFAR

September 17, 2022 @ 2:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Apat na lugar sa bansa ang nadiskubreng positibo sa toxic red tide base sa shellfish na nakolekta mula sa mga ito, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran sa Bohol; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur, batay sa shellfish bulletin ng BFAR.

Natuklasan na ang shellfish mula sa mga lugar na ito ay positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lampas sa regulatory limit.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” pahayag ng BFAR.

Subalitm ang ang mga isda, pusit, hipon, at alimasag ay ligtas kainin basta at sariwa ang mga ito at hinugasang mabuti at inalisan ng lamang-loob bago lutuin. RNT/SA