4 lungsod sa S. Metro Manila, #WalangTubig sa Peb. 21-24

4 lungsod sa S. Metro Manila, #WalangTubig sa Peb. 21-24

February 21, 2023 @ 2:57 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Maynilad Water Service Inc. ang implementasyon ng water service interruption mula Feb 21 hanggang 24, dahil sa “prolonged high water turbidity” dulot ng amihan.

Ayon sa abiso ng Maynilad, apat na lungsod sa southern Metro Manila ang makararanas ng water service interruption.

Sa Parañaque City, kasado sa Barangays BF Homes at San Antonio ang water interruption mula alas-6 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon akada araw.

Ikakasa naman ang water interruption mula alas-6 ng umaga hanggang alas-11 ng gab kada araw sa Barangays Don Bosco, Marcelo Green, San Martin de Porres, at bahagi ng BF Homes at San Antonio.

Mawawalan din ng tubig sa Barangays Merville, Moonwalk, at bahagi ng Don Bosco mula alas-2 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi kada araw, maging sa Barangay 201 sa Pasay City.

Inanunsyo ng Maynilad na mawawalan din ng tubig sa Barangays Don Bosco, Marcelo Green at San Antonio kabilang ang San Isidro mula alas-2 ng hapon hanggang alas-11:59 ng gabi kada araw kabilang ang Barangays 181 hanggang 185 sa Pasay.

Makararanas naman sa Barangay Sun Valley sa Parañaque City ng water service interruption mula alas-5 ng hapon hanggang alas-11:59 ng gabi kada araw.

Sinabi ng Maynilad na ikakasa rin ang water service interruption sa ilang barangay sa Las Piñas at Muntinlupa City.

Makararanas ang mga residente ng Barangay Almanza Dos sa Las Piñas, Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa City ng water service interruption mula alas-4 ng umaga hanggang ala-1 ng madaling araw sa Feb. 21 hanggang Feb. 25.

Sa Barangays Alabang, Buli, Cupang at Sucat, Muntinlupa, kasado ang water service interruption mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon araw-araw.

Kasado rin sa ibang lugar sa Barangays Alabang, Poblacion, Tunasan, kabilang ang Putatan, Muntinlupa ang water service interruption mula alas-11 ng umaga hanggang alas-5 ng madaling araw kada araw mula Feb. 21 hanggang Feb. 25.

Magpapatupad pa ng water service interruption sa ilang bahagi ng Barangays Poblacion, Putatan, at Tunasan mula alas-12:01 ng tanghali hanggang alas-4 ng umaga kada araw.

Mawawalan din ng tubig sa 11 barangay sa Las Piñas mula alas-8 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga kada araw sa Feb. 21 -25.

Kabilang sa mga apektadong barangay ang Barangays CAA, Manuyo Dos, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pamplona Uno, Pulanglupa Dos, Pulanglupa Uno, Talon Dos, Talon Tres, Talon Uno at Zapote.

Mawawalan pa ng tubig sa Barangays Almanza Uno, Pilar, Talon Dos at Talon Singko mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga kada araw.

Hinikayat naman ng Maynilad ang mga apektadong kustomer na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig bago ang scheduled water service interruption. RNT/SA