4 Luzon road sections sarado sa mga motorista sa epekto ni ‘Karding’

4 Luzon road sections sarado sa mga motorista sa epekto ni ‘Karding’

September 26, 2022 @ 11:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang isinara ang apat na national road sections sa Luzon dahil sa epekto ni bagyong Karding (international name Noru).

Base sa field monitoring reports ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bureau of Maintenance, ang mga hindi madaraanang kalsada ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1 (Ilocos), 3 (Central Luzon), 4-A (Calabarzon).

Hindi madaraanan ang Kennon Road sa Benguet na ikinandado sa non-residents bilang pag-iingat.

Sa Aurora, ang Nueva Ecija-Aurora Road section ay sarado dahil sa landslide at ang Concepcion-Lapaz dahil sa bumagsak na poste ng kuryente.

Sarado naman ang Ternate-Nasugbu Road sa Cavite bilang pag-iingat.

Pansamantalang isinara ang Manila North Road section sa Sitio Banquero, Barangay Pancian, Pagudpud sa Ilocos Norte dahil sa landslide.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na naglagay ang quick response teams ng warning signs at mga abrikada sa kahabaan ng mga apektadong daan.

Patuloy din ang clearing operations sa mga daan na natukoy na ligtas. RNT/SA