Cha-cha ‘di prayoridad ng Senado – Gatchalian

March 26, 2023 @8:39 AM
Views: 7
MANILA, Philippines – Sinalag ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Sabado, Marso 25, ang mga panukalang mag-aamyenda sa 1987 Constitution.
Aniya, hindi ito prayoridad ng Senado partikular na ang political amendments.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Gatchalian na hindi kumbinsido ang ilan sa mga kasamahang senador sa pangangailangan ng Charter change lalo na sa political amendments na pawang “for self-interest” lamang aniya.
“Sa aking pulso mukhang malabo [pumasa sa Senado], hindi kumbinsido ang ating mga kasamahan na mag Cha-cha. Hindi iyon prayoridad ngayon dahil maraming ginagawa lalo na yung political amendments dahil yung political amendments pansariling interes yan, habaan yung termino tanggalin, yung term limits hindi pang taumbayan para sa pulitiko lang yan,” anang senador.
Matatandaan na inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang
Resolution of Both Houses (RBH) 6, na nananawagan para sa isang constitutional convention (con-con) upang amyendahan ang 1987 Constitution.
Ani Speaker Martin Romualdez, layon ng Kamara na ilimita ang Charter change sa pag-amyenda sa mga economic provision ng Konstitusyon upang makahikayat ng mas maraming foreign investments.
Dahil dito, hinimok ni Gatchalian ang mga mambabatas na kumonsulta sa mga eksperto at tanungin kung talagang makatutulong nga ba sa bansa ang cha-cha.
“Ako kahit nag-file nung economic provisions gusto ko pa rin pakinggan ang mga eksperto kung itong ating panukala eh makakatulong sa bansa o hindi. Sa aking pananaw makakatulong pero pakinggan din natin yung mga iba pang eksperto,” giit ni Gatchalian.
“Pangalawa, dahil ang naaprubahan sa Kongreso ngayon ay walang limitasyon con-con pwedeng political amendments hindi confident yung mga senador natin dahil ako, hindi ako sang-ayon sa political amendments, marami sa ating mga kasamahan hindi sang-ayon sa political amendments,” dagdag pa niya.
“Yung iba dahil diyan hindi na sang-ayon sa lahat. Kung ganyan ang pananaw ng Kongreso dapat nakareflect yan o nakasulat yan doon sa resolution na ipinadala nila o inaprubahan nila para klaro kung ano yung gagawin. Ngayon kasi lahat lumalabas sa media pero kapag tinignan mo sa papel iba. Baka sa media lang sinasabi pero pagdating sa gawa iba, hindi mabuti ang kalalabasan niyan,” pagpapatuloy nito.
Matatandaang sinabi na rin ni Senate President Miguel Zubiri na walang sapat na “yes” votes ang makukuha sa Senado para maipasa ang hakbang para sa Charter change.
Kasunod nito ang pagsasabi niya na naguguluhan siya kung bakit minamadali ng mga mambabatas sa Kamara ang Senado na aksyunan na ang hakbang upang amyendahan ang Konstitusyon.
Sumagot naman dito si Romualdez at sinabing nagmamadali sila dahil kapakanan ng publiko ang nakasalalay dito. RNT/JGC
Mangingisda, magsasaka pinakamahirap pa rin sa 2021 – PSA

March 26, 2023 @8:26 AM
Views: 14
MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nananatiling pinakamahirap na sektor batay sa poverty incidence noong 2021 ang mga mangingisda, magsasaka, mga bata at mga indibidwal na naninirahan sa mga rural areas.
Batay sa datos na inilabas ng PSA nitong Biyernes, Marso 24, ang mga mangingisda ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2021 sa 30.6%, sinundan ng mga magsasaka sa 30%, mga bata sa 26.4% at mga indibidwal na nakatira sa rural areas sa 25.7%.
Ang mga nabanggit na sektor ang nakapagtala rin ng pinakamataas na povery incidence noong 2015 at 2018.
“These sectors had the highest proportion of individuals belonging to families with income below the official poverty thresholds compared to the other basic sectors,” ayon sa PSA.
Lumabas din sa datos na nagkaroon ng kapansin-pansing pagtaas sa poverty incidence sa karamihan ng basic sectors, kung saan ang mga mangingisda ang may pinakamalaking pag-arangkada ng poverty incidence na 4.4% mula 2018 hanggang 2021.
Sinundan ito ng mga bata sa pagkakaroon ng 2.5% na pagtaas, edad 15 pataas na may disability, sa 2.5% at mga indibidwal na naninirahan sa mga urban areas sa 2.3%.
Samantala, ang mga magsasaka naman ang namumukod-tangi na may pagbaba sa poverty incidence mula 2018 hanggang 2021 sa -1.6%.
Ayon sa PSA, ang mga indibidwal na naninirahan sa rural areas ang may pinakamataas na bilang ng mahihirap na populasyon noong 2021 sa 13.67 milyon, sinundan ng mga bata sa 10.46 milyon at mga kababaihan sa 9.99 milyon.
Ang mga edad 15 pataas naman na may disability ang may pinakamababang bilang ng poor population noong 2021 sa 271,000, sinundan ng mga mangingisda sa 348,000 at senior citizen sa 1.2 milyon.
Samantala, sinabi ng PSA na ang mga indibidwal na naninirahan sa urban areas ang may pinakamababang poverty incidence mga basic sectors noong 2021 sa 11.6%, sinundan ng senior citizen sa 10.3% at migrant at formal sector workers sa 10.2%.
Wala pang tugon ang Palasyo at Department of Agriculture kaugnay sa datos na ito ng PSA. RNT/JGC
P4.9M halaga ng ismagel na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga

March 26, 2023 @8:13 AM
Views: 13
MANILA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang isang motorized wooden vessel na kargado ng hindi dokumentadong sigarilyo na nagkakahalaga ng P4.9 milyon.
Ayon sa BOC-POZ, nasabat ng Enforcement and Security Service (ESS) and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) ang bangkang “Jungkong” noong Marso 21 sa dalampasigan ng Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.
Lulan ng barko ang apat na crew members mula sa Parang, Sulu at nagmula sa Jolo, Sulu patungong Zamboanga City.
Sa pagsisiyasat, bigong makapagpakita ng legal na dokumento ang mga crew ng barko.
“The 141 master cases of cigarettes were apprehended in violation of Section 117 of R.A. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016 in relation to Executive Order Number 245 entitled Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products,” pahayag ng BOC.
Inaasahan na ang warrant of seizure and detention mula sa Port of Zamboanga.
Samantala, nangako naman si BOC Commissioner Bienvenido Rubio na patuloy na lalabanan ng ahensya ang mga magtatangka pang magpuslit sa kanilang mas pinalakas na anti-smuggling campaign sa bansa. RNT/JGC
SRA chief sa pagbibitiw sa pwesto, ‘health reasons lang talaga’

March 26, 2023 @8:00 AM
Views: 39
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Sugar Regulatory Administration (SRA) chief David Thaddeus Alba nitong Sabado, Marso 25, ang mga ispekulasyon laban sa kanyang pagbibitiw sa pwesto.
Sa pahayag, sinabi ni Alba na nagbitiw siya sa pwesto upang maalagaan ang kanyang kalusugan at magpagaling.
“In as much as I would like to serve the industry, its stakeholders, the President, and most importantly the Filipino people, the duties and responsibilities of being acting administrator have taken a negative toll on my health and family life,” paliwanag ni Alba.
“I am taking this opportunity to dispel any other interpretations and speculation regarding my resignation and to make it clear that it stems from purely health-related reasons. Had I been in better health, I would gladly continue with the responsibility entrusted to me by President Ferdinand R. Marcos Jr.,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din si Alba kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapaglingkod sa kanyang administrasyon, maging ang pagtanggap sa kanyang resignation.
“I wish the next administrator the best, and I hope that gains and programs we have achieved for the sugar industry will continue long into the future,” dagdag niya.
Matatandaan na sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyerhes na sinabihan ni Alba si Executive Secretary Lucas Bersamin tungkol sa pagbibitiw niya sa pwesto noong Miyerkules.
Sa direktiba ng Pangulo, iiral ang resignation ni Alba sa Abril 15 upang maihanda ang ipapalit sa kanyang pwesto.
“We urge former administrator Alba to come out and speak his truth. We urge others to come out if they have information as well. Baka kung hindi, you will be left holding the bag,” giit naman ni Senador Risa Hontiveros.
“Many sugar insiders believe that this is a clear sign that Mr. Alba has seen that SRA is only being used as a rubber stamp to legitimize the preferential treatment given to all Asian and the other two importers. The circumstances seem to suggest that,” aniya.
“Basta ang alam natin, sa kabila ng pressure ng Department of Agriculture (DA), ay hindi pumirma si Administrator Alba sa sugar release order para sa mga smuggled na asukal na nakaipit pa rin sa port of Batangas. Mabuhay siya!” pagdidiin pa nito.
Nanalangin din si Hontiveros para sa mabilis na paggaling ni Alba sa kasalukuyang health condition.
Matatandaan na bago ang pagbibitiw ni Alba sa pwesto, nagkaroon ng kontrobersiya sa ahensyang hinahawakan niya matapos ang importasyon ng 400,000 metric tons ng asukal. RNT/JGC
Yassi, ayaw makisawsaw sa James-Issa link-up!

March 26, 2023 @7:55 AM
Views: 34