4 magkakatropa timbog sa P100K droga

4 magkakatropa timbog sa P100K droga

July 14, 2022 @ 8:08 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa karsel humantong ang apat na magkakatropa nang makuhanan ng lampas P100,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Valenzuela City.

Arestado sina Angelica Amosona, 29, istambay; John John Balila, construction worker, 22; Joven Malasta, 30, istambay, at; Emmanuel Ibanez, 20, construction worker.

Dakong ala-1 ng madaling araw nitong Martes nang matiklo ang mga suspek sa buy-bust operation sa Area 4, Dumpsite, Pinalagad, Brgy. Malinta, ng lungsod.

Kinumpiska sa mga dinakip ang nasa 15 gramo ng shabu na may presyong P102,000 at marked money at idiniretso sila sa presinto. Merly Iral