Zamboanga del Sur – Napatay sa operasyon ng pulisya ang umanoy apat na miyembro ng isang kulto sa Midsalip, Zamboanga del Sur kaninang umaga.
Ayon kay Police Senior Superintendent Fergen Torred, ang direktor ng Intelligence Division ng Police Regional Office 9 (PRO9), pawang mga kumakain umano ng lamang loob ng tao ang nasawi mula sa hindi pa matukoy na kulto.
Sinabi ni Torred na humantong sa madugong operasyon ang dapat sana’y paghahain ng warrant of arrest sa lider ng grupo.
“As we speak, clashes were going on, our men were supposed to deliver a warrant of arrest,” saad ni Torred.
Kasalukuyan pang tinutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga nasawi matapos manlaban ang mga ito. (Jeff Gallos)