4 ‘miyembro’ ng NPA patay sa engkwentro sa NegOcc

4 ‘miyembro’ ng NPA patay sa engkwentro sa NegOcc

March 2, 2023 @ 2:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa engkwentro sa militar sa Negros Occidental nitong Miyerkules, ayon sa Armed Forces of the Philippine nitong Huwebes.

Inihayag ni Colonel Jorry Baclor, hepe ng AFP Public Affairs Office, na naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga elemento ng 94th Infantry Battalion ng Army at halos 20 insurgents sa Himamaylan City.

Inilahad ni Baclor na rumesponde ang tropa ng pamahalaan sa impormasyon ng mga naalarmang residente hinggil sa presensya ng mga rebelde sa Barangay Carabalan.

Nagresulta ang nasabing engkwentro sa pagkasawi ng apat na rebelde at pagkakasamsam ng anim na baril– dalawang M16 rifles, dalawang M203 grenade launchers, at dalawang AK47 rifles.

“We will not allow you to continue harming our people. Expect relentless and intensified military operations in the coming days and weeks, for we are determined to protect Negrenses from your atrocities. Despite this, we are still offering you peace to start a new life with your family, but if you insist on doing terrorism, we can be your worst nightmare,” babala ni Brigadier General Marion Sison, komander ng 3rd Infantry Division. RNT/SA