4 most wanted timbog sa C. Luzon!

4 most wanted timbog sa C. Luzon!

October 7, 2022 @ 7:35 AM 2 months ago


SAN FERNANDO, Pampanga – ARESTADO ang apat na most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations na isinagawa ng mga awtoridad nitong Linggo sa rehiyon ng Central Luzon.

Ayon kay Police Regional Office 3 (Central Luzon) Director, Brig. Gen. Cesar R. Pasiwen, ang apat na nahuling suspek ay may mga standing warrants para sa kasong rape, acts of lasciviousness, at paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa bayan ng Balagtas, Bulacan, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Caroline Soriano Rojas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 84 Malolos City, Bulacan sa kasong Rape, nadakip ang most wanted person na si Rolando Santos.

Nahuli rin ng mga operatiba sa Bulacan si Jimboy Valderama, na nasa No. 4 most wanted person sa probinsya ng Bulacan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mary Ann Tolentino Punzalan-Toribio ng RTC Branch 99, Quezon sa kasong rape.

Sa Nueva Ecija naman nadakip rin si Ferdinand Moreno, na nasa No. 2 most wanted person sa bayan ng San Isidro sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Elenita Evangelista-Casipit of RTC Branch 36, Gapan City para sa kasong lascivious conduct.

Pinayagan naman ng korte si Moreno na makapagpiyansa sa halagang P200,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Samantala, naaresto rin si Nel Llarena, No. 5 most wanted person sa Central Luzon sa Barangay Dau, Mabalacat City sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Benigno C. Abila ng RTC Branch 117, Angeles City para sa 5 bilang kasong paglabag sa RA 9165.

“As we aim for safer communities, all law enforcement agencies work closely together to fight all forms of criminality, including intensification of (the) campaign against wanted persons,” ani pa ni Pasiwen./Mary Anne Sapico