4 MRT-3 station target gawing vaxx site —DOTr

4 MRT-3 station target gawing vaxx site —DOTr

January 25, 2022 @ 11:35 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Plano ng Department of Transportation na magtatag ng on-site vaccination site sa apat na Metro Rail Transit 3 stations.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng gabi, sinabi Transportation Secretary Arthur Tugade na bago ikasa ang vaccination facilities sasailalim muna ito sap ag-apruba ng Department of Health.

Kabilang sa target maging vaxx site ng DOTr ang mga istasyon sa Cubao, Shaw Boulevard, Boni, at Ayala.

“The vaccination facilities that we will put up …will be in accordance with the details, policies, and requirements of the DOH,” ani Tugade sa Pangulo.

Bukod sa MRT-3 binabalak din nila na maglagay ng vaccination site sa mga pantalan at Paliparan sa bansa.

“Mayroon din sa air, terminal 4, nag-set aside kami ng lugar doon na kung kinakailangang maging vaccination facility sa paliparan,” dagdag pa ni Tugade.

“Mayroon din sa north harbor na tinatayo namin,” aniya pa sa ulat sa Pangulo.

Sa ngayon nakapagbakuna na sa bansa ng 57 mlyong Pinoy na fully vaccinated. RNT