4 mula E. Visayas positibo sa UK COVID variant

4 mula E. Visayas positibo sa UK COVID variant

June 3, 2021 @ 8:11 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na apat na sample mula sa Eastern Visayas ang nagpositibo sa COVID-19 variant na unang natukoy sa United Kingdom.

Sinabing dalawa ang nagmula sa Catubig, Northern Samar na kapwa locally stranded individuals (LSI) habang ang dalawa ay mula sa Calbayog City, Samar.

Sa ulat, kasalukuyang puno na ang COVID bed capacity ng Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) at mayroon pang 40 pending referrals.

Tinatayang 258 bagong COVID-19 case din ang naitala sa rehiyon.

Base sa DOH, nag-uugat ito sa patuloy na public gatherings na kinokonsiderang super spreader events. RNT/FGDC