4 mula sa 52 drug war death nakasuhan na

4 mula sa 52 drug war death nakasuhan na

January 25, 2022 @ 6:34 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakasuhan na ang apat sa 52 insidenteng nasawi sa war on drugs ng gobyerno.

Kasama rito ang pagpanaw nila Carl Angelo Arnaiz (Navotas City); Richard Santillan at Gessamyn Casing (Cainta City, Rizal); Anwar Sawadjaan, Noel Bacalzo, at Angelo Hofer (Zamboanga del Norte); at Sharif Amatonding (San Pedro, Laguna).

Maaalalang noong nakaraang taon, inilabas ng Philippine National Police Internal Affairs Services ang impormasyon sa 52 kaso ng Department of Justice (DOJ) habang ang iba ay inaaral pa.

 “Per the initial report of the NBI dated 4 January 2022, most of the 52 cases turned over by the PNP Internal Affairs Service are still under evaluation by the regional offices or are presently subject of case build-up,” ani DOJ Secretary Menardo Guevarra.

Kung babalikan, natagpuang patay si Arnaiz, 19, 10 araw nakalipas ng kanyang pag-alis sa bahay sa Cainta, Rizal noonh 2017.

Base sa Caloocan police, sinubukan ni Arnaiz na nakawan ang taxi driver na si Tomas Bagcal.

Nagsumbong naman ito sa pulis at dito na nahulihan ng tatlong pakete ng marijuana at shabu na kanyang ikinasawi.

Napatay naman sina Santillan at Casing noong Disyembre 2019 sa Cainta City habang noong 2016 si Amatonding.

Sa shootout sa Barangay Overview, Liloy, Zamboanga del Norte naman nasawi sina Sawadjaan, 19; Hofer, 22; at Bacalzo noong Hulyo 2016. RNT/FGDC