4 na biktima ng human trafficking nasagip sa NAIA

4 na biktima ng human trafficking nasagip sa NAIA

November 2, 2022 @ 2:22 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nailigtas ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na biktima ng human trafficking na na-recruit upang magtrabaho ng iligal sa Thailand, Laos, at Dubai.

Nabatid kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang apat na pasahero na itinago ang mga pangalan para sa kanilang proteksyon, ay naharang sa NAIA Terminal 1 matapos nilang tangkaing sumakay ng Tiger Air flight papuntang Singapore noong Oktubre 17.

Tatlo sa mga biktima ay may connecting flights patungong Bangkok, Thailand, na nagsasabing sila ay magbakasyon ng 7 araw.

“The intercepted Bangkok-bound passengers initially presented themselves on primary inspection as tourists, but later on admitted that they were recruited to work as customer service representatives to be deployed to Thailand and Laos. They were even promised to receive 50,000 pesos once employed,” ani Tansingco.

Napag-alaman sa BI na ang nasabing mga biktima ay na-recruit umano sa pamamagitan ng Facebook ads.

Ibinunyag pa ni Tansingco ang kaso ng isa pang biktima na naunang nagsabing magbabakasyon ito ng limang araw sa Singapore.

“The other passenger was a woman on her late 30’s who disguised as a tourist. As it turns out, she was offered a job as a household service worker in Dubai and that she was instructed to stay in Singapore for five days while she waited for her UAE visa,” pagbabahagi niya.

“I assure the public that our officers will remain vigilant for any human trafficking attempt especially amid the ongoing influx of international passengers who will be vacationing during the holidays,” dagdag pa ni Tansingco.

Lahat ng apat na biktima ay inilipat sa Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong at karagdagang imbestigasyon. JAY Reyes