4 na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa

4 na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa

March 31, 2022 @ 7:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Apat na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.

Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag-operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network.

Sa kabilang dako, pinagkalooban din ng 25 year franchise ang Iriga Telephone Company.

Pinahihintulutan itong makapag-operate sa buong lalawigan ng Camarines Sur.

Nabigyan din ng prangkisa ang University of Southern Mindanao. Binigyan din ito ng awtorisasyon na ma-maintain ang pagsasahimpapawid nito ng educational broadcast sa buong lalawigan ng Cotabato.

Samantala, tinintahan naman ni Pangulong Duterte, kamakalawa, Marso 29 ang lahat ng nabanggit prangkisa ng mga nasabing broadcast companies. Kris Jose