4 na drug suspect nabitag sa Navotas buy bust

4 na drug suspect nabitag sa Navotas buy bust

November 25, 2022 @ 2:07 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal n droga matapos malambat ng pulisya sa magkagiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-10:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Luis Rofu Jr ng buy bust operation sa ltok St., Brgy. Daanghari na nagresulta sa pagkakaaresto kay Ricky Blancaflor alyas “Kambal”, 30 ng Brgy. Daanghari at Ernesto Dela Cruz alyas “Toyo”, 43 ng Brgy. Tangos South.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 6.5 ng hinihinalang shabu na may standard drug price P44,200 at P300 buy bust money.

Dakong ala-105 naman ng Biyernes ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Goldrock St., Brgy. San Roque sina Angelito Hidalgo alyas “Ormok”, 32, (pusher/listed) at Nover Calayag alyas “Ver”, 51, (pusher/listed), kapwa residente ng lungsod.

Nasamsam sa kanila ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P20,400.00 at P300 marked money.

Ani PSSg Jaycito Ferrer, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura