4 na ex-Rep ng Makabayan Bloc pinaaresto ng korte

4 na ex-Rep ng Makabayan Bloc pinaaresto ng korte

July 27, 2018 @ 1:51 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Apat na dating mambabatas na miyembro ng Makabayan Bloc ang ipinag-utos na arestuhin ng Nueva Ecija Regional Trial Court kaugnay ng kaso noon pang 2006 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ang warrant of arrest na ipinalabas ni Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 40 Judge Evelyn Turla ay para kina Satur Ocampo, Teddy Casiño (Bayan Muna), National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza (Gabriela), at dating Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano ng Anakpawis.

Ang warrant of arrest ay kaugnay ng kasong murder na naganap noon pang 2004 kung saan inuugnay ang mga mambabatas sa insidente ng pagkamatay ng ilang kritiko ng Bayan Muna sa Nueva Ecija.

Sinabi ni Colmenares na malinaw na walang basehan ang kasong murder at gawa-gawa lamang ang kaso ng dating administrasyon noon ni Ginang Arroyo kung saan ang Makabayan Bloc ay kilalang oposisyon sa kanyang administrasyon.

Aminado ang Makabayan Bloc na may pulitika sa likod ng biglaang pagpapalabas ng warrant of arrest makalipas ang halos 10 taon, kataka-taka din umano ang naging timing nito kung saan si Arroyo ay hinirang nang House Speaker.

Naniniwala ang mga mambabatas na ang pagpapalabas ng warrant of arrest sa mga miyembro ng Makabayan Bloc ay buwelta ni Ginang Arroyo dahil tinututulan nila ang pamumuno nito sa House of Representatives.(Gail Mendoza)