4 na lalawigan itinaas ng IATF sa Alert Level 4, ilang lugar sa Alert Level 3

4 na lalawigan itinaas ng IATF sa Alert Level 4, ilang lugar sa Alert Level 3

January 20, 2022 @ 8:05 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Huwebes, ang pagsasailalim ng Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, at maging ang lalawigan ng Northern Samar.

Sa kabilang dako, ang mga sumusunod na lugar na inilagay naman ng IATF sa Alert Level 3 ay ang:

  • Luzon- Apayao, Puerto Princesa City and Masbate

  • Visayas- Siquijor

  • Mindanao- Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region 9; Lanao del Norte sa Region 10; Davao de Oro at Davao Oriental sa Region 11; North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region 12; Surigao del Norte sa Caraga; at Maguindanao at Basilan sa BARMM.

Ang mga nasabing Alert Levels ay epektibong simula bukas, Enero 21 hanggang 31, 2022. Kris Jose