4 na puganteng Koreano pauuwiin ng BI

4 na puganteng Koreano pauuwiin ng BI

February 15, 2023 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules, Pebrero 15 na ipade-deport nila ang apat na Korean nationals na wanted sa Seoul, South Korea.

Sa pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na binawi na ng pamahalaan ang pasaporte ng mga ito.

“They will also be placed in our blacklist, thus banning them from reentering the country,” ani Tansingco.

Aniya, ang apat ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ngayong buwan ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa Metro Manila at Pampanga.

Unang naaresto si Chun Junghoon noong Pebrero 1 sa San Antonio Village, Pasig City na nasa wanted list ng BI noon pang 2020.

Noong Enero 2020 ay naglabas ng arrest warrant ang Busan district court laban kay Chun dahil sa kaugnayan nito sa telecom fraud syndicate na nakapambiktima na ng mahigit P3 million won sa pamamagitan ng voice phishing.

Nitong Pebrero 4 naman, naaresto ng FSU si Kim Jingsuk sa Angeles City, Pampanga na wanted sa pagtangay ng milyon-milyong halaga mula sa employer nito.

Sunod nito ay naaresto rin si Park Geon Jin, na wanted sa pagiging miyembro nito sa isang voice phishing organization.

Samantala, noong Pebrero 8 ay inaresto si Park Kyoungtae on February 8 na wanted sa Busan sa illegal na pagpapatakbo ng gambling website.

Naka-detain na sa BI warden facility ang apat.

“We are in the midst of an intensified campaign to flush out these wanted foreigners who are using the country as a refuge to elude arrest and prosecution for crimes they committed in their homeland,” ani Tansingco. RNT/JGC