4 na sakay ng Cessna plane, patuloy na hinahanap sa Albay

4 na sakay ng Cessna plane, patuloy na hinahanap sa Albay

February 20, 2023 @ 2:05 PM 1 month ago


ALBAY- NAKATUON ngayon ang mga awtoridad sa ginagawa nilang search and rescue operations sa lugar ng Mayon Volcano para mahanap ang apat na sakay ng bumagsak na Cessna plane 340 sa gilid ng bulkang Mayon na tinatayang nasa 350 meters ang distansya mula sa crater nito o nasa 6,500 above feet.

Ayon sa kay Camalig, Albay Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., sa kabila ng panganib na nakaamba sa Mayon Volcano na bukod sa nasa alert level 2 ang bundok batay sa ipinalabas na report Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ngayon araw (Lunes) at masama rin ang panahon, magpapatuloy ang gagawin nilang paghahanap sa apat na sakay ng eroplano.

Nakipagtulungan na rin ang Energy Development Corporation sa lokal na pamahalaan ng Camalig at mga ahensya ng gobyerno sa paghahanap at pagsagip sa mga sakay na sina Rufino James Crisostomo, Jr., piloto; Joel Martin, crew; kasama ang mga technical consultant ng EDC na kapwaAustrallian national na sina Simon Chipperfield at Karthi Santanan.

“Hindi natin inaalis ang possibility na baka sumabay ang body ng mga sakay ng eroplano doon sa tubig na galing sa Mayon. Siguro pabalik ng Manila. Hindi po natin alam kung bakit napunta doon sa may crater ng Mayon,” ani pa ng alkalde.

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Sabado nawalan ng kontak ang Bicol International Airport air traffic controllers sa Cessna 340 airplane (Caravan) aircraft na may registry number RP-C2080 at umalis ng Bicol International Airport dakong 6:43 a.m.

Huling na-kontak ng Air traffic controllers aircraft bandang 6:46 a.m. kung saan nasa gilid ito ng Camalig Bypass Road sa taas na 2,600 talampakan.

Inaasahan na lalapag ang nasabing eroplano sa Manila dakong 7:53 ng umaga. Mary Anne Sapico