LTO ‘heightened alert’ mula Marso 31

March 28, 2023 @8:18 AM
Views: 7
MANILA, Philippines – Itataas ng Land Transportation Office (LTO) ang heightened alert mula Marso 31, upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero sa paparating na Semana Santa.
Ayon sa LTO nitong Lunes, Marso 27, ang heightened alert status ay nakataas mula Marso 31 hanggang Abril 10, sakop maging ang mga weekend.
Sinabi ni LTO chief Jay Art Tugade na magkakasa ang ahensya ng surprise inspections sa mga terminal, public utility vehicles at handa rin umano silang tumulong sa mga motoristang mangangailangan nito.
“Wala kaming hangad sa LTO kundi ang masigurong mairaraos nang maayos at ligtas ang Holy Week at bakasyon ng ating mga kababayan. Hinihingi rin namin ang pakikiisa ng publiko sa pag-iingat at pagsunod sa mga batas-trapiko para sa biyaheng ayos ngayong taon,” pahayag ni Tugade.
Tututukan din ng LTO ang mga pangunahing kalsada papasok at palabas ng Metro Manila, maging sa “all strategic locations and terminals in all regions of the country.”
Samantala, nauna nang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsuspinde ng number-coding scheme sa National Capital Region mula Abril 6 hanggang 10. RNT/JGC
Puerto Galera ligtas sa oil spill – governor

March 28, 2023 @8:05 AM
Views: 9
MANILA, Philippines – Nilinaw ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor na hindi apektado ng oil spill ang Puerto Galera.
Ito ang tiniyak ng gobernador matapos ang balita na marami nang mga turista ang nagkakansela ng kanilang booking sa nasabing pasyalan.
“Puerto Galera is safe,” ani Dolor, batay sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources at Philippine Coast Guard.
“Wala siyang oil spill. At dahil walang oil spill, safe mag-dive,” sinabi pa niya.
Sa kasalukuyan, mayroong siyam na bayan at isang lungsod ang apektado ng oil spill sa probinsya.
Ito ay ang mga lugar ng Calapan City, Naujan, Pinamalayan, Pola, Gloria, Bansud, Bongabong, Mansalay, Roxaz at Bulalacao.
Samantala, ligtas naman ang mga dagat na sakop ng Puerto Galera, Baco at San Teodoro.
Sa ulat ng provincial tourism office, umabot na sa P200 milyon ang nawalang kita sa turismo at iba pang hanapbuhay dahil sa oil spill.
Ani Dolor, sakaling tamaan ang Puerto Galera ng oil spill ay tiyak na magkakaroon ito ng matinding epekto sa ekonomiya ng probinsya. RNT/JGC
91% ng mga Pinoy aprub sa voluntary wearing ng face mask

March 28, 2023 @7:52 AM
Views: 16
MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral na malaking bilang ng adult Filipinos ang aprubado ang inilabas na Executive Order ng Pangulo na pagpayag sa boluntaryong pagsusuot ng face masks.
Kasabay nito, malaking bahagi rin sa kanila ang nagsabi na nais pa rin nilang magsuot ng face mask lalo na kung nasa labas ng bahay.
Ito ang lumabas na resulta sa Fourth Quarter 2022 study ng Social Weather Survey (SWS) kung saan 91% ang sumasang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na payagan ang boluntaryong pagsusuot ng face masks.
Sa Executive Order No. 7 na inilabas noong Oktubre 28, 202, “Allowing voluntary wearing of face masks in indoor and outdoor settings, reiterating the continued implementation of minimum public health standards during the State of Public Health Emergency relative to the COVID-19 Pandemic.”
Ang Fourth Quarter 2022 Social Weather Survey national survey ay isinagawa noong Disyembre 10 hanggang 14, 2022 sa pamamagitan ng face-to-face interview at may sample size na 1,200 sa buong bansa kasama ang sampling error margin na ± 2.8%.
Narito ang bilang ng adult Filipinos na sumasang-ayon sa EC No. 7
64% Strongly approve
27% Somewhat approve
4% Undecided
3% Somewhat disapprove
1% Strongly disapprove
Samantala, 54% ang nagsabi na nais pa rin nilang gumamit ng face mask kung aalis ng bahay:
54% Always
22% Most of the time
15% Sometimes
8% Rarely
1% Never
Sa kabuuang Filipino household heads, 91% ang nagsabing payag sila sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa mga bata sa face-to-face classes:
65% Strongly agree
26% Somewhat agree
3% Undecided
3% Somewhat disagree
2% Strongly disagree
Ayon sa datos mula sa mga sambahayan na may anak na nag-aaral face-to-face, 81% o 4 sa 5 tahanan ang nagsasabing palagi pa rin nilang pinagsusuot ng face mask ang kanilang mga anak kung papasok sa eskwelahan.
81% Always
11% Most of the time
5% Sometimes
3% Rarely
0.5% Never. RNT/JGC
Iba pang suspek sa pagdukot, pagpatay sa lalaki sa QC tinutugis na ng PNP

March 28, 2023 @7:39 AM
Views: 19
MANILA, Philippines – Tinutugis na ng Philippine National Police (PNP) ang iba pang Filipino suspects na sangkot umano sa pagdukot at pagpatay sa isang lalaki sa Quezon City.
Ayon sa ulat, bago pa rito ay naaresto na ng PNP ang tatlong Chinese at isang Vietnamese na may kaugnayan sa kidnap-for-ransom.
“May mga pangalan na po na hawak ang AKG (Anti-Kidnapping Group) at yan po yung tinutunton po nila,” sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo.
Tumanggi naman na magbigay pa ng mas maraming impormasyon si Fajardo dahil nagpapatuloy pa ang manhunt sa mga suspek.
Aniya, posibleng sindikato ang nasa likod ng krimen dahil hindi ito ang unang pagkakataon na naitala ang naturang modus.
“Maaaring tong grupo nato ay siya ring may kinalaman dun sa mga previous kidnapping case kung saan ay pinuputulan nila ng parte ng katawan kagaya ng daliri po at yun po yung pinapadala nga po sa pamilya,” pagbabahagi pa ni Fajardo.
Sa ulat, sinabi ng PNP-AKG na humingi ng P10 milyon na ransom sa pamilya ng biktima ang mga suspek matapos itong pwersahang isakay sa loob ng sasakyan sa Roosevelt Avenue noong Marso 18.
Sa kabila ng pagbabayad, natagpuan pa ring patay ang biktima sa Tanza, Cavite noong Marso 22 at nakabalot ng duct tape ang ulo nito habang nawawala naman ang isang binti niya.
Ani Fajardo, patuloy na makikipag-ugnayan ang PNP sa Filipino-Chinese community, sabay-sabing sila ay “on top of the situation” sa mga kidnapping case. RNT/JGC
Kampo ni Teves umapela sa Kamara, suspensyon alisin na

March 28, 2023 @7:26 AM
Views: 20