4 na suspek sa pamamaril sa LGBT teacher sa Abra, nahuli na

4 na suspek sa pamamaril sa LGBT teacher sa Abra, nahuli na

September 30, 2022 @ 5:26 PM 2 months ago


ABRA – Naaresto na ng mga otoridad ang apat na suspek sa pamamaril-patay sa isang guro na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) sa probinsya ng Abra.

Sa pamamagitan ng hot pursuit operation ay nasakote ang mga suspek na kinilalang sina Sonny Boy Gandeza Tullas, 31-anyos at isang construction worker; Abelardo Talape, 42-anyos na isang traffic enforcer; Aldrin Alagao alyas “Bull” at Rommel Paa alyas “Ambong”.

Ayon kay Col. Maly Cula, Abra police chief, ang biktima na kinilalang si Rudy Steward Dugmam Sayen o kilala sa pangalang “Estee Saway”, 38 anyos ay papunta sa eskwelahan kung saan ito nagtuturo nang bigla na lamang paputukan ng mga suspek sakay ng motorsiklo ang biktima.

Sa pamamagitan ng CCTV ay positibong nakilala ng pulisya ang motorsiklo na ginamit ng mga suspek.

Dahil dito ay agad na nagkasa ng operasyon ang mga otoridad. RNT/JGC