4 na tulak ng shabu tiklo sa QC

4 na tulak ng shabu tiklo sa QC

January 20, 2022 @ 5:53 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang apat na tulak ng shabu matapos kumagat sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) kagabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na sina Tohame Ali,  20-anyos, tricycle drayber, residente ng AFP Road Brgy Holy Spirit Q.C., Jayson Cawili,  29, ng No. 2 Major Marcos Brgy Pasong Tamo Q.C., Christian Dela Cruz, 36, ng No. 38 General street Brgy Holy Spirit Q.C. at Michael Selga,  nakatira sa Centerville Subdivision Brgy Pasong  Tamo Q.C.

Base sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa Fort Santiago Brgy Holy Spirit Q.C.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa apat ang siyam na plastic sachet na naglalaman ng 20 gramo ng shabu na may halagang P136,000 gayundin ang ginamit na buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Conprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz