4 na tulak tiklo sa P.8M marijuana sa Montalban

4 na tulak tiklo sa P.8M marijuana sa Montalban

November 27, 2022 @ 4:53 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang apat (4) katao sa pitong libong (7k) gramo ng marijuana bricks isinagawang buybust operation ng Rizal Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU) sa Montalban Rizal kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PSSg Ederico Edrick Zalavaria, may hawak ng kaso, kinilala ang mga nadakip na sina John Patrick Manuel Antonio alyas Patrick, Julius Manuel Diaz kapwa nasa drug watchlist, Dan Aaron dela Cruz Ocampo at John Aries Alejandro Ignacio alyas Aries pawang mga nakatira sa Brgy., San Rafael, ng nabanggit na bayan.

Naaresto ang mga suspek sa anti-drugs operation ng mga awtoridad dakong 9:00 ng gabi nitong Nobyembre 25, sa No. 592 P. Rodriguez St., Brgy., San Rafael, Montalban Rizal.

Nakumpiska sa mga ito ang anim (6) transparent plastic wrap bricks dried marijuana at fruiting tops, pitong piraso ng ziplock plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa 7,000 grams at may halagang P840,000.00, dalawang napsack bag, isang sling bag, Isang original na P1,000 cash at anim (6) na tag P1,000 boodle money kabilang ang P500 peso na buybust money.

Nakapiit na ang apat (4) na suspek sa detention cell at kinasuhan ng paglabag sa section 5 at 11 art.ll RA 9165 (Buy Bust Operation). Rene Tubongbanua