4 naarestong suspek sa Degamo slay, inilipat sa Crame

4 naarestong suspek sa Degamo slay, inilipat sa Crame

March 7, 2023 @ 3:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nailipat na ang apat na naarestong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo nitong Marso 4, sa Camp Crame, ayon sa opisyal ng pulisya nitong Martes.

Sa press briefing, sinabi ni Police Colonel Jean Fajardo, spokesperson ng Philippine National Police (PNP), na kasalukuyang nakaditene ang apat sa PNP Custodial Center.

“‘Yung apat po, ‘yung mga arrested suspects, ay nilipat na sa kustodiya dito sa PNP Custodial Center habang ongoing ‘yung investigation for their own protection,” pahayag niya.

Inihayag ni Fajardo na nagdesisyon ang liderato ng PNP na ilipat ang apat na suspek sa Camp Crame nitong Lunes matapos ang inquest proceedings.

Dalawa sa mga suspek ang nag-execute ng extrajudicial confession at kinokonsidera para sa witness protection program (WPP), dagdag niya. RNT/SA