4 nadagit sa pagpapakalat ng pekeng dolyar

4 nadagit sa pagpapakalat ng pekeng dolyar

February 1, 2022 @ 3:06 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Apat na indibidwal ang inaresto ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) sa Angeles City para sa iligal na pag-iingat ng mga pekeng pera.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Joeylyn Castro, Virgilio Yalung, Zenia Andres at Marilyn Lucero.

Ayon kay Distor, nag-ugat ang operasyon mula sa imporamsyon na ang grupo ng indibidwal ay patungo sa money changer sa Angeles City upang magpapalit ng pekeng US dollars ng Philippine Peso.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang NBI-SAU sa Payments and Currency Investigation Group, Office of the Assistant Governor, Payments and Currency Development Sub-Sector, Bangko Sentral ng Pilipinas (PCIG-PCDSS, BSP), at sa lokal na awtoridad.

Nagtungo ang NBI-SAU sa Angeles City at sinubaybayan ang galaw ng dalawang suspek na kalaunan ay nakilalang si Castro at Yalung.

Nang magtungo sa money changer ang dalawa, hindi pinalitan ang dolyar dahil ito ay peke.

Sa pagkakataong ito, nilapitan ng NBI-SAU ang mga suspek at agad na inaresto.

Nakumpiska sa kanila ang 78 piraso ng pekeng US dollar bill na may iba’t-ibaang serial numbers.

Ibinunyag naman ng dalawa ang pinanggagalingan ng nasabing mga pekeng dolyar kaya agad nagsagawa ng follow up operation ang NBI kung saan naaresto naman sina Zenia Andres at Marilyn Lucero sa Anopol, sa Bamban, Tarlac.

“Illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit na nauugnay sa Article 166 (Forging treasury or bank notes on other documents payable to bearer) ang apat na suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden