Bong Go: Tensyon sa Taiwan, OFWs protektahan

August 10, 2022 @3:06 PM
Views:
6
MANILA, Philippines- Nababahala si Senator Christopher “Bong” Go para sa overseas Filipino worker sa East Asia sa gitna ng tumitinding tensyon ng iba’t ibang stakeholders sa Taiwan.
Dahil dito, nanawagan ang senador sa Department of Migrant Workers na maghanda ng contingency plan sakaling lumala ang sitwasyon sa nasabing bansa.
“Lubos akong nababahala para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga OFW na nagtatrabaho sa iba’t ibang bahagi ng Silangang Asya dahil sa pagtaas ng tensyon sa pagitan ng mga stakeholder sa Taiwan,” sabi ni Go sa isang pahayag.
Nanawagan din siya sa gobyerno, partikular sa bagong buong DMW, na agad magsagawa ng mga contingency measures sakaling lumala ang sitwasyon.
Hinimok ng senador ang DMW na tiyaking nakahanda ang “potential assistance and reintegration programs” ng gobyerno sakaling kailanganin ang mga kinauukulang OFW na makauwi sa Pilipinas.
“Proteksyunan natin ang buhay ng bawat Pilipino nasaan man sila sa mundo lalo na ang mga ginagamit nating modernong-day heroes na OFWs na nagtatrabaho para mayroong maitustos sa kanilang naiwang pamilya,” giit ng senador.
Samantala, binigyang-diin ni Go na umaasa siyang ang mga bansang sangkot ay magpipigil at gagamit ng mga diplomatikong channel para mabawasan ang tensyon at makahanap ng mapayapang solusyon.
“Ang ating mundo, na naluluha pa rin mula sa masamang epekto ng kasalukuyang krisis sa kalusugan, ay hindi makakayanan ang isa pang sakuna na may potensyal na hindi masabi ang mga kahihinatnan,” sabi ni Go.
Tumindi ang tensyon sa Taiwan matapos bumisita sa isla si United States House Speaker Nancy Pelosi noong Agosto 2.
Kinondena ng China, na tinitingnan ang Taiwan bilang isang breakaway province, ang pagbisita na nagresulta sa pagsasagawa nito ng mga military drills sa paligid ng isla. RNT
NDRRMC: Infra damage sa Abra quake pumalo na sa P1.8B

August 10, 2022 @2:52 PM
Views:
12
MANILA, Philippines- Pumalo na sa P1,805,650,590.62 ang halaga ng imprastraktura na napinsala ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa Abra at kalapit- lalawigan sa Northern Luzon noong Hulyo 27.
Sa update report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na ang pinsala ay natamo sa rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera,at maging ng National Capital Region (NCR).
Naitala rin ang P33.7 milyong halaga ng pinsala sa agricultural facilities, equipment, at makinarya sa Cordillera region, at P22.7 milyong halaga naman sa irrigation facilities sa Cordillera at Ilocos.
Idinagdag pa ng NDRRMC na ang mga nasirang bahay ay umabot naman sa 35,798 sa Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera, at NCR, 35,112 naman ay “partially damaged” at 686 ang “totally damaged”.
Iniulat din ng NDRRMC na 11 ang namatay; ang nasaktan naman ay 615 sa Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera; at ang mga apektadong pamilya ay umabot naman sa 140,617, katumbas ng 513,330 indibiduwal na nakatira sa 1,339 barangay sa Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera.
May kabuuang 334 pamilya o 1,034 indibiduwal naman ang nananatili sa evacuation centers. Kris Jose
PCG: Sumadsad na roro sa Iloilo, dahil sa nakatulog na helmsman

August 10, 2022 @2:38 PM
Views:
19
MANILA, Philippines- Nakaidlip umano ang helmsman na siyang naatasan na magtimon sa MV Filipinas Cebu na isang RoRo vessel kaya sumadsad sa katubigan ng Concepción, Iloilo madaling araw ng Martes, ayon sa pinakahuling update ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ang nasabing impormasyon ay galing umano sa kapitan ng barko.
Pinayuhan naman ng PCG ang kapitan na maghain ng marine protest sa PCG Station sa Iloilo.
Sumadsad nitong Martes, pasado alas-12 ng madaling araw ang barko ng Cokaliong Shipping Lines sa pagitan ng Igbon Island at Agho Island habang patungo ng Cebu.
Umalis ang barko mula Iloilo alas-7:14 ng gabi ng Lunes.
Sinabi ni Captain Alexander Wahing, ligtas ang 223 pasahero at 38 crew na sakay ng barko, ayon sa PCG.
Agad namang nakatugon ang MV Filipinas Cebu’s sister vessel ng MV Filipinas Nasipit upang mailipat ang mga pasahero at maihatid sa kanilang destinasyo.
Matapos ang assessment ng Marine Environmental Protection Unit nito, sinabi ng PCG na walang bakas ng oil spill mula sa insidente.
Sinabi ng PCG na nag-inspection na rin sa katawan ng barko para sa posibleng pagpasok ng tubig-dagat at ang inspeksyon ay nagbunga ng mga negatibong resulta, sinabi ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden
2 patay, 1 kritikal sa araro ng 6-wheeler Isuzu van

August 10, 2022 @2:37 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Dalawa ang deklaradong patay habang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon makaraang araruhin ng 6 wheeler Isuzu close van na nawalan ng preno ang 8 sasakyan sa Olalia Road, Antipolo City.
Sa ulat ng pulisya, kinilala ang isa sa nasawi na si Maria Demaligalig habang ligtas naman na naka-confined sa Amang Rodriguez Medical Center ang mister nito na si Tommy Demaligalig.
Bukod sa nabanggit, isa pang nakamotorsiklo ang namatay at kritikal ang backrider nito na hindi na binanggit ng pulisya ang pangalan.
Habang arestado naman ang driver na si Henry Martin, ng Izusu 6 wheeler close van na may plakang NBE-5794 at nakapiit ngayon sa detention cell ng pulisya.
Ayon sa pulisya, dakong alas-10:20 ng umaga, Agosto 8, nangyari ang insidente sa Olalia Road, Brgy., Dela Paz sa lungsod.
Lumilitaw na sakay ng Honda Click motorsiklo ang mag-asawang Demaligalig habang nawalan naman ng preno ang sasakyan ng suspek na unang inararo ang mga nakatambak na hallow blocks at tuloy na inararo ang 8 sasakyan kabilang na ang mga motorsiklo.
Nahaharap naman sa kasong double homicide, serious physical injuries at multiple damage to property ang driver ng 6 wheeler close van. Rene Tubongbanua
August 10, 2022 @2:26 PM
Views:
11