4 nawawala, 23 sugatan sa nasunog na roro sa Quezon

4 nawawala, 23 sugatan sa nasunog na roro sa Quezon

May 23, 2022 @ 12:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinahanap pa ang apat na pasahero ng fast craft MV Mercraft 2  sa bisinidad baybayin ng Real Quezon batay sa latest update ng Philippine Coast Guard (PCG).

Nasa kabuuang 134 ang sakay ng barko kabilang ang 124 pasahero at 10 crew.

Nailigtas ang 120 indibidwal kung saan 23 ang nasugatan sa naganap na sunog kaninang umaga habang naglalayag ang barko sa Baluti Island, Brgy Cawayan, Real, Quezon mula sa Polio Island.

Sa mga nasugatan, 3 ang kritikal, habang nanatili sa pito ang patay dahil sa suffocation.

Kabilang sa sugatan ang boat captain na si John Lerry D.Escareces na ginagamot ngayon sa Claro M Recto Hospital.

Ang Mercraft 2 ay gawa sa fiber glass at ito ay hinila na lamang ng MV Triple Kent patungong pampang ng Balyti Island sa Brgy. Cawayan matapos maapula ang sunog alas-9:33 ngayong umaga.

Nagpapatuloy pa rin ang rescue operation ng mga awtoridad sa mga nawawalang mga pasahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden