4 nene, dalagitang bugaw nasagip sa Bulacan rescue, entrapment ops

4 nene, dalagitang bugaw nasagip sa Bulacan rescue, entrapment ops

September 11, 2022 @ 3:36 PM 3 weeks ago


Bulacan- Apat na menor-de-edad na babae ang nasagip habang dinampot ang 16-anyos na umanoy bugaw ang nasagip sa ikinasang joint entrapment at rescue operation ng mga awtoridad sa bayan ng Baliwag.

Kinilala ni Bulacan Police Officer-In-Charge PCOL Relly Arnedo ang suspek na may alyas “Dens” 16, residente ng Brgy. San Roque habang kapwa minor de edad ang apat na biktimang babae

Sa report, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Regional Anti- Trafficking in Person Task Group (RATTG3), RWCPD, RIDMD, WCPD, DSWD at Baliwag police nitong Setyembre 10 ng hapon sa isang hotel sa Brgy. Sta. Barbara.

Ayon sa report, nakabili ng mga batang babae ang poseur customers sa dalagitang suspek gamit ang marked money kapalit umano ang sexual services o panandaliang aliw kaya ito isinama ng mga awtoridad.

Nasa kustodiya ng entrapment team na may tanggapan sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga ang mga nasagip na biktima at suspek na dumaan sa kaukulang dokumentasyon. Dick Mirasol III