4% ng new cancer cases sa buong mundo, may kinalaman sa alak

4% ng new cancer cases sa buong mundo, may kinalaman sa alak

July 14, 2021 @ 10:26 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iniuugnay ang pag-inom ng alak sa apat na porsiyento ng lahat ng bagong kaso ng cancer sa buong mundo.

Ayon sa pag-aaral na inilathala sa journal na The Lancet Oncology, mahigit 6.3 milyong kaso noong 2020 ay mouth, pharynx, voice box larynx, oesophageal, colon, rectum, liver at breast cancer –– lahat ay may kauganyan sa alak.

Mahigit three quarters ng mga tinatayang kaso ay nakita sa mga kalalakihan na posibleng resulta ng labis na  pag-inom ng alak.

Kabilang sa tiningnan ng mga mananaliksik sa pagkuha ng datos ay ang alcohol sales, produksyon, buwis at pagkonsumo para matantiya kung gaano karami ang naiinom ng mga tao kada araw sa mga bansa sa buong mundo noong 2010 – isang dekada bago inaasahang makikita ang epekto ng posibleng kaso ng cancer.

Sa pagtaya nila, 4% o 741,300 ng lahat ng mga bagong kaso ng cancer sa buong mundo noong 2020 ay maiiugnay sa pagkonsumo ng alak, kung saan 77% o 568,700 kaso ay mga lalaki at 23% ay mga babae.

Lumabas din sa pag-aaral ang na ang bilang ng mga alcohol-related cancer cases ay mataas sa East Asia at Central at Eastern Europe habang mababa sa North Africa at Western Asia.

Pinakamaraming kaso ay cancer sa esophagus (189,700 cases), liver cancer (154,700) at breast cancer (98,300).

“We urgently need to raise awareness about the link between alcohol consumption and cancer risk among policy makers and the general public,” saad ng study author na si Harriet Rumgay ng International Agency for Research on Cancer in France. RNT