4 Nigerian national arestado sa mga pekeng ID

4 Nigerian national arestado sa mga pekeng ID

June 17, 2022 @ 11:24 AM 1 week ago


CEBU CITY- Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Central Visayas ang apat na Nigerian national dahil sa umano’y pamemeke ng government Identification Card, Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ni NBI Central Visayas agent-in-charge Arnel Pura, ang mga nadakip na suspek na sina Augustine Nkwocha, alyas Arlaed Klean Frank, 40 anyos; Tos in Samuel Oguntoye, 30 anyos; Chibuike Joseph Nwokoro, 31 anyos; at Christopher Kenechukwu Okeke.

Ayon kay Pura, humingi ng tulong sa kanila ang nobya ng isa sa mga suspek hinggil sa ginagawang pamemeke ng ID sa Colon Street ng nasabing lungsod.

Sinabi pa ni Pura na ang mga ID ay gagamitin para sa pagbubukas ng bank account para sa mga money transfer at makipagtransaksyon sa maraming online scam.

Sa ngayon kinukumpirma pa ng mga awtoridad na kasabwat umano ng mga suspek ang isang pari na kura paroko sa isa sa mga simbahan sa Cebu.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek. Mary Anne Sapico