4 NPA sa Bicol sumuko 

4 NPA sa Bicol sumuko 

April 4, 2022 @ 11:10 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sumuko sa mga awtoridad ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bicol region, dalawa sa kanila ang may mahahalagang katungkulan.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Jones Estomo, direktor ng Police Regional Office 5, pinangasiwaan ng mga operatiba ng Special Action Force fang pagsuko ng apat matapos isa sa kanila ang nagpadala ng mensahe sa mga pulis na nagpapahayag ng kanilang intensyon na sumuko.

Kinilala ni Estomo ang mga ito na sina Elvis Hebres, alias Nene, political instructor; John Dominic Oraye, revolutionary collector at recruiter; Oliver Halamanin, at Enrique Hamisola.

“I welcome this development. I hope this will boost armed group member’s confidence to voluntarily surrender. With the government’s program for returnees, I shall personally expedite this,” pahayag ni Estomo.

” I would also like to convey the message that life is too short to live in a restricted setting. There will always be a day of reckoning so might as well live in the glory of freedom.” dagdag niya.

Ayon pa kay Estomo, isinuko rin ng mga nabanggit ang isang revolver.

Kasalukuyan aniyang nasa kustodiya ng SAF unit sa lugar ang apat na indibidwal at pinoproseso na ang mga benepisyong makukuha nila mula sa pamahalaan. RNT/SA