Laguesma, grupo ng manggagawa magpupulong

July 2, 2022 @5:00 PM
Views:
47
MANILA, Philippines- Magsasagawa ng dayalogo ang mga grupo ng manggagawa at si Secretary Bienvenido Laguesma ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga darating na araw upang pag-usapan ang kanilang mga alalahanin.
Noong Biyernes, natanggap niya ang watawat ng DOLE at ang Labor and Employment Plan 2022-2028 mula sa kanyang hinalinhan, si Silvestre Bello III, sa Labor Governance and Learning Center ng Blas F. Ople Hall ng departamento sa Intramuros, Manila.
Nakipagpulong din si Laguesma sa iba pang opisyal sa kanyang unang araw sa opisina at nakipag-ugnayan sa mga empleyadong kanyang tinalakay ang mga isyu gaya ng pagtaas ng sahod at seguridad sa trabaho.
Si Bello ay pamumunuan ang Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan.
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong pinuno ng DOLE na ituloy ang higit pang mga programa para sa sektor ng paggawa at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga ginawa sa ilalim ng termino ni Bello.
Sinabi ni Bello na nasa mabuting kamay ang DOLE sa ilalim ni Laguesma, na naging kalihim din ng DOLE noong 1998 hanggang 2001 sa ilalim ng administrasyong Estrada at nagsimula ng kanyang karera sa serbisyo publiko bilang mediator-arbiter sa dating Department of Labor noong 1976.
âYour fresh mandate to steer the DOLE once more signifies the continuity of the noble initiatives that we have undertaken for the Filipino workers and the people,â ayon kay Bello. Jocelyn Tabangcura-Domenden
“IM NAYEON” tumabo sa 1st week album sales

July 2, 2022 @4:53 PM
Views:
53
SEOUL, South Korea – Achievement agad ang nakuha ng self-titled solo debut mini-album ng TWICE member na si NAYEON.
Ito ay makaraang makapagtala ng 4th highest sa 1st week album sales ng Kpop female soloists ang kanyang album na ‘IM NAYEON.’
As of June 24, lampas 250,000 na kopya na ang naibenta sa unang linggo mula nang ito ay ilabas at maituturing na highest-selling album ng Kpop female soloist ngayong 2022.
Nakahilera na rin ang ‘IM NAYEON’ sa fourth best-selling album ng Kpop female soloist of all times kasama nina BLACKPINK Lisa, BLACKPINK Rose at IU. RNT/JGC
COVID vax target isama ng PH gov’t sa routine immunization

July 2, 2022 @4:45 PM
Views:
56
MANILA, Philippines- Tinitingnan ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) na isama ang bagong COVID-19 vaccines sa routine immunization sa ibang sakit.
Sinabi ng Department of Health (DOH), ilan lamang Ito sa mga estratehiya ng NVOC sa ilalim ng liderato ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire para palakasin ang vaccine uptake sa bansa.
Sa panahon ng transition period, ang NVOC at vaccination sites ay nagpapatuloy ng kanilang kasalukuyang operasyon sa pagbibigay ng bakuna at boosters sa eligible population.
â[The] NVOC is also reviewing existing policies to identify possible points for revision, one of which is the integration of COVID-19 vaccines to routine immunization,â ayon sa Health Department.
Samantala, sinabi ng DOH na nagsasagawa ito ng granular at localized analyses sa mga lugar na may mababang vaccine uptakes.
âFurther, DOH and NVOC are currently focusing efforts to ramp-up the rollout of vaccines for our current priority groups through granular and localized analysis of areas with low vaccine coverage of 1st boosters and high numbers of unvaccinated. This is to ensure that strategies implemented to increase coverage are tailor fitted to best suit a given area or region,â ayon sa ahensiya.
Kamakailan ay inanunsyo ng National Task Force against COVID-19 (NTF) na nakamit na ng bansa ang target nitong gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa COVID-19. Kris Jose
Listahan ng 4Ps beneficiaries pinalilinis ni PBBM sa DSWD

July 2, 2022 @4:30 PM
Views:
56
MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr. na linisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng mga benepisaryo ng “targeted social assistance programs” ng departamento.
Gusto ng Pangulo na alisin na ng DSWD ang mga benepisaryong hindi na kuwalipikadong makatanggap ng cash grants mula sa pamahalaan.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ilang benepisaryo ang gumradweyt (graduate) na mula sa conditional cash transfer program (CCT) – o mas kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps partikular na iyong ang mga anak ay nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral subalit nananatiling tumatanggi na isuko ang kanilang accounts at patuloy na nakatatanggap ng cash grants.
ââYan ang utos sa akin ng Pangulong Marcos na linisin ang listahan ng DSWD ng mga tumatanggap ng benepisyo,â ayon kay Tulfo.
Binigyang diin ni Tulfo na ilang daang libong Filipino sa buong bansa ang naghihintay na mapasama sa 4Ps na makikinabang mula sa plano na linisin ang cash transfer program list.
Kilala ng DSWD ang mga benepisaryo ng 4Ps at iba pang social assistance programs sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction o Listahanan nito.
Upang maipatupad ang kautusan ni Pangulong Marcos, sinabi ni Tulfo naâwithin the next few weeksâ ay magpapalabas siya ng âamnestyâ na nananawagan sa mga unqualified 4Ps beneficiaries na isuko na ang kanilang accounts sa DSWD sa loob ng 30 hanggang 60 araw o sasampahan ng kaso.
âKasi parang estafa, âyan kasi niloloko mo ang gobyerno,â ayon kay Tulfo.,
Maliban dito, sinabi pa ni Tulfo na plano rin niyang ipatupad ang reward system kung saan ang informer ay makatatanggap ng pabuya kung maituturo nito kung sino sa kailang komunidad ang ang dapat na alisin na mula sa 4Ps list. Kris Jose
Robredo nakakalap ng higit P1M para sa Angat Buhay NGO

July 2, 2022 @4:15 PM
Views:
50