4 out of 5 Pinoy, naniniwalang maling hayaan ang China sa teritoryo ng Pinas- SWS survey

4 out of 5 Pinoy, naniniwalang maling hayaan ang China sa teritoryo ng Pinas- SWS survey

July 15, 2018 @ 11:01 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na apat sa limang Pinoy ang naniniwalang maling hayaan ng gobyerno ang China na magtayo ng mga imprastraktura at magkaroon ng presensiya ng militar sa sarili nitong teritoryo.

Tinanong ng SWS ang mga respondents tungkol sa opinion ng mga ito tungkol sa “what’s right and not right for the government to do to resolve the West Philippine Sea conflict.”

Sa nasa 1,2000 na respondents na nakilahok sa poll noong June 27 to 30, 81% ng mga indibidwal ang nagsabi na hindi tama ang ginagawa ng gobeyernono “to leave China alone with its infrastructures and military presence in the claimed territories.”

Lumabas ang survey ilang araw lamang matapos gumawa ng ingay ang mga banners na nagsasabing “Welcome to the Philippine, Province of China” na isinabit sa mga overpass sa iba’t ibang bahagi ng Maynila noong Huwebes.

Noong May, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang gobyerno ay nagsasagawa nba ng “diplomatic actions” laban sa China dahil sa mga ginagawa nilang mga aktibidad sa West Philippine Sea, ang exclusive economic zone ng Pilipinas sa South China Sea.

Ang poll ay isinagawa gamit ang face-to-face interviews sa nasa 200 na indibidwal sa buong bansa. (Remate News Team)