4 pagyanig naitala sa Bulkang Taal

4 pagyanig naitala sa Bulkang Taal

April 8, 2021 @ 7:37 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naitala ang apat na pagyanig sa Bulkang Taal ngayong Huwebes, batay sa Philippine Institute of Volocanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagyanig naitala rin ang mahinang pagsingaw na may taas na sampung (10) metro mula sa fumaroles o gas vents ang naganap sa main crater ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na naitala rin ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 1,602 tonelada kahapon Abril 7, 2021.

Patuloy pa rin nakataas sa Alert Level 2 kayat pinaaalalahanan ng Phivolcs ang publiko dahil sa paulit ulit na pagputok ng bulkan, pagbuga ng volcanic gas na maaaring biglang maganap at manalasa sa paligid ng bulkan.

Kaugnay nito pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman malapit sa bulkan na siyang nasa Permanent Denger Zone o PDZ ng bulkang Taal.

Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na maging alerto kung sakaling ilikas angh mga residente na naninirahan na barangay sa paligid ng bulkan kung magkaroon ng panibagong pag-aalboroto ang bulkan.  (Santi Celario)


  •  
  •  
  •