4 pang committee heads pinangalanan sa Senado

4 pang committee heads pinangalanan sa Senado

August 17, 2022 @ 9:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihalal ng Senado nitong Martes ang chairpersons ng apat pang komite sa 19th Congress.

Sa Senate session nitong Martes, inihalal ng mga mambabatas sina Senator Jinggoy Estrada bilang chairperson ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development habang si Senator Sherwin Gatchalian ay pinuno ng Committee on Basic Education.

Pangungunahan ni Senator Alan Peter Cayetano ang Committee on Science and Technology habanag si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang itinalagang chairperson ng Committee on Culture and Arts.

Sa 18th Congress, ang Committees on Basic Education at Culture and Arts ay iisang komite lamang subalit ini-adopt ng Senado nitong Lunes ang resolusyon na naghahati rito sa dalawa.

Hindi pa naihahalal sa Senado ang chairpersons ng Senate Committee on Ethics and Privileges at ang special committee on Marawi Rehabilitation. RNT/SA