4 parokya ng Diocese of Borongan apektado ng baha

4 parokya ng Diocese of Borongan apektado ng baha

January 13, 2023 @ 7:56 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez na apat na parokya ng diyosesis ang naapektuhan ng baha at nasa evacuation centers ang mga apektadong residente.

Ibinahagi ni Bishop Varquez sa Radio Veritas na patuloy ang kanilang relief operations sa mga apektado ng baha.

Nanawagan din ang Obispo ng tulong para sa mga residenteng binaha.

Hinimok naman ni Bishop Varquez ang mga nasalanta na huwag mawalan ng pag-asa dahil ibibigay ng simbahan at mga good Samaritan ang kanilang pangangailangan.

Samantala, tiniyak naman ni Sister Melba Bongalos, program coordinator ng Social Action Center ng Archdiocese of Zamboanga na nakaantabay sila sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Sister Melba, nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga residenteng lumikas matapos humupa ang baha.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ay 17 katao na ang nasawi dahil sa naranasang sama ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden