4 partido bumuo ng ‘UniTeam’ alliance para sa BBM–Sara tandem

4 partido bumuo ng ‘UniTeam’ alliance para sa BBM–Sara tandem

November 25, 2021 @ 1:04 PM 3 days ago


Manila, Philippines — Lumagda na ng agreement ang apat na political party sa pagbuo ng ‘UniTeam’ para kila presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ay naisapormal sa pamamagitan ng agreement signing kaninang umaga sa Sofitel Philippine Plaza Hotel sa Pasay City.

Sa gitna ito ng akyansa ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) na pinangungunahan ni dating senador Jinggoy Estrada, Hugpong ng Pagbabago ni Duterte-Carpio, Partido Federal ng Pilipinas ni Marcos, at Lakas-CMD. 

 “As chairman of the PMP, it is with pride and honor that I signify our commitment and loyalty to the formidable UniTeam alliance in pursuit of our common agenda of peace, progress and prosperity for our beloved country,” saad ni Estrada.

“Aside from the fact na kaming tatlo po ay pawang mga anak ng Presidente, hindi na po talaga maaalis sa aming kamalayan, sa aming dugo, at sa aming mga puso ang maka-paglingkod sa ating mahal ng bayan.” RNT/FGDC