4 patay, 30 sugatan sa riot sa Caloocan City Jail

4 patay, 30 sugatan sa riot sa Caloocan City Jail

January 10, 2022 @ 7:49 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang apat na indibidwal at higit 30 naman ang sugatan sa sumiklab na kaguluhan sa loob ng Caloocan city jail nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arturo Biasa; Hans Omar, pawang mga miyembro ng commando gang; Sherwin Perez; at John Patrick Chicko, mga miyembro ng Sputnik Gang.

Tinatayang nasa mahigit kumulang sa 30 Person Deprived of Liberty (PDL) ang mga sugatan na hindi pa pinangalanan.

Sa ulat, naganap ang riot alas-3:30 ng hapon sa Barangay Barangay 20, Caloocan City kung saan nagrambulan ang mga miyembro ng Sputnik at Commando (PDL).

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang  STOC CCPS sa nagaganap na riot sa loob ng Caloocan City Jail, kung saan agad na nagtungo sina NPD DD, NPD PBGen Jose S. Hidalgo, COP CCPS PCol Samuel V. Mina, ACOPO at ACOPA ng CCPS kasama ang Tuna Commander na si PMaj Jerry S. Garces, upang alam ang ang dahilan ng riot.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro ng kara y kruz ang mga preso nang magkagulo.

Agad naman pinayapa ng mga nakatalagang jail guard ng Caloocan City Jail ang kaguluhan, subali’t matapos nito ay tumambad sa kanila ang apat na walang na katawan ng mga biktima sa naturang riot at marami ang sugatan.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang otoridad hinggil sa nasabing insidente. R.A Marquez