4 patay, 60 sugatan sa lindol – Abalos

4 patay, 60 sugatan sa lindol – Abalos

July 27, 2022 @ 3:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Apat ang nasawi, habang 60 ang sugatan sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra nitong Miyerkules ng umaga, ayon kay Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ni Abalos na ang dalawang nasawi ay mula sa Benguet, isa sa Abra at isa pa mula Mountain Province.

“Sixty [ang] injured and so far po apat ang nabalitaang nasawian ng buhay, four deaths. Of these four, two are in Benguet, one each in Abra and Mountain Province,” sabi ni Abalos.

Ayon sa Phivolcs, na ang lindol na naunang iulat na magnitude 7.3 ay naramdaman kaninang alas-8:43 ng umaga sa 17.64°N, 120.63°E – 003 km N 45° W ng Tayum sa Abra. May lalim ito na 17 kilometro.

Niyanig nito ang Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Naiulat naman sa maraming lugar ang pinsala sa imprastraktura. RNT/SA