4 patay sa COVID sa Caloocan

4 patay sa COVID sa Caloocan

July 15, 2021 @ 11:52 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Apat ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 nitong Hulyo 14 sa Caloocan.

Mula 1,101 noong Hulyo 10 ay umakyat sa 1,105 ang COVID casualties sa lungsod, habang naging 369 ang active caess matapo na 29 ang mapositibo sa virus.

Pumalo na sa 38,863 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 37,389 na ang gumaling.

Lumobo rin ang active cases sa Valenzuela City na 188 na matapos na 73 kaso ang madagdag kontra 29 recoveries, habang nanatili sa 542 ang COVID death toll sa lungsod.  Umabot na sa 20,995 ang confirmed cases sa Valenzuela, at 20,265 na ang nakarekober.

Hindi naman gumalaw ang 453 COVID death toll sa Malabon, habang apat ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 13,657 ang positive cases sa lungsod, 98 dito ang active cases. Sa kabilang banda, limang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 13,106 ang recovered patients ng siyudad. Merly Iral