4 patay sa dinamita

4 patay sa dinamita

May 7, 2022 @ 11:37 AM 2 months ago


MASBATE- Patay ang apat na mangingisda matapos sumabog ang ginagawa nilang dinamita na ginagamit umano sa kanilang pangingisda noong Huwebes sa bayan ng Claveria.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ryan Maǹapao, 30; Eddie Maloloy-on Jr, 20; Jonathan Lape, 41 at Roque Mar Guazon, 19, pawang residente sa Sitio Ipil, Brgy Buyo, Claveria, Masbate.

Batay sa report ng Claveria Municipal Police Station, naganap ang insidente hapon ng Huwebes sa bahay ni Maloloy-on.

Lumabas sa imbestigasyon, gumagawa ng dinamita ang mga biktima gamit ang kemikal na ammonium nitrate at blasting caps ng bigla na lamang sumabog ng malakas.

Sa lakas ng pagsabog nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pangyayari.

Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad publiko lalo na sa mga mangingisda na mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa at paggamit ng dinamit lalo na pag ginagamit sa panghuli ng isda. Mary Anne Sapico