4 patay sa gumuhong tulay sa Bohol

4 patay sa gumuhong tulay sa Bohol

April 28, 2022 @ 6:40 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa apat na indibidwal ang naiulat na namatay sa malagim na pagguho ng tulay sa bayan ng Loay, Bohol.

Sinabi ni Police Lt. Thomas Zen Cheung, information officer ng Bohol Provincial Police Office, na naitala ng mga awtoridad ang apat na pagkamatay bandang 7:45 p.m., nitong Miyerkoles, kabilang ang isang dayuhan.

Sinabi rin ni Cheung na nasagip na ng mga awtoridad ang kabuuang 18 indibidwal, habang nasa 15 indibidwal naman ang sugatan.

Ang mga pagkakakilanlan ng mga biktima at mga nakaligtas ay biniberipika pa rin, dagdag ni Cheung.

Nasa 10 sasakyan, kabilang ang dalawang dump truck, ang nalubog sa Loboc River nang gumuho ang Old Clarin Bridge dakong alas-4:10 ng hapon. sa Miyerkules. RNT