4 patay sa kolera sa Aurora

4 patay sa kolera sa Aurora

November 15, 2022 @ 6:06 PM 3 weeks ago


MARIA AURORA- Nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Maria Aurora sanhi ng kolera na ikinasawi ng apat na residente, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aurora.

Base sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at Municipal Inter-Agency Task Force, nakapagtala sila ng apat na nasawi habang nasa 200 katao ang nagkasakit sa Barangay Bayanihan at Barangay Kadayacan sa nasabing bayan.

Sa pinagsamang resolusyon ng MDRRMC at MIATF Resolution No. 1, s. 2022, isasailalim sa state of calamity ang nasabing bayan sanhi ng cholera outbreak.

Naglabad rin ang Sangguniang Bayan ng Resolution No. 117, s. 2022 para sa agaran pagpapalabas ng P2 milyon mula sa Quick Response Fund para sa gagamitin na tubig at inumin ng mga residente sa dalawang apektadong barangay ganun din ang pagsasaayos ng kanilang imburnal.

Patuloy naman ang ginagawang pagrarasyon ng lokal na pamahalaan ng tubig sa dalawang barangay na apektado habang naghahanap ng alternatibong pagkukunan ng suplay ng tubig. Mary Anne Sapico